Usapang Praning

Usapang Praning, bakit kanyo ito ang binigay kong title sa blog na ito…

ang sagot ko : kasi napa-praning ako, napra-praning ako kung paano ko uumpisahan ang mga nasimulan ko.  Mga nasimulan ko sa buhay, mga nasimulan kong gawain. Ang hirap pala ng walang outlet, outlet para pag sabihan ng nararamdaman mo. Mga hirap at sakit na nasa puso mo. naknampucha.. nagiging madrama naman tayo… balik tayo sa pagiging PRANING..

PRANING kasi .. isa akong praning😀, mga kaibigan ko praning, boss ko praning🙂 lahat halos praning hehehehe,, kaya ang buhay ko umiikot sa ka praningan.. Andito ako ngayon sa middle east nag tratrabaho pero napra-praning.  Bakit kamo? kasi tapos na ang kontrata ko hindi pa ako makauwi, bwisit na kumpanya ito ayaw akong pauwiin gusto yata nila makita si Gabriela Silang na lalaking bersyon.  Siguro ito ang isa sa mga kadahilanan kung bakit ko naisipang gumawa ng blog… to express my feelings..naks… hehehehe

Anyways, lahat tayo may kapraningan sa buhay, minsan ma late lang tayo sa deadline ng trabaho natin napra-praning na tayo, o kaya makita lang nating ang crush natin, napra-praning na tayo kaagad  (with matching tulo ng laway at laki ng mata pa yan hahaha) kasi nde natin alam kung anong hitsura natin pag nakita nya tayo or baka nde ka pansinin kasi pangit ang damit mong suot. Minsan sa ating buhay dumarating ang kapraningan minsan nde mo inaasahan o kaya minsan trip mo lang mapraning. Aminin man natin ito o hindi.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng praning o paranoid sa Ingles.

Ayon sa Wikipedia  :

Paranoia is a disturbed thought process characterized by excessive anxiety or fear, often to the point of irrationality and delusion. Paranoid thinking typically includes persecutory beliefs concerning a perceived threat towards oneself.

Parang nakakatakot ng ibig sabihin noh?, pero para sa ating mga pinoy ang PRANING ay isang ordinaryong salita na tinutukoy mo sa iyong kaibigan o kahit kanino man, kaaway o hindi. Praning ang itatawag mo pag natuwa ka sa kaibigan mo dahil may nasabi siya sayo na medyo kakaiba. Praning din ang expression na gagamitin mo pag ang kaibigan mo ang naging OA (over-acting) sa  reaksyon tungkol sa pelikula or sa kwento na sinabi mo. Praning din ang tawag mo sa boss mo pag galit ka. Praning din ang gamit mo kapag nakita mo ang kaibigan mo na nagmumukmok sa isang sulok at parang galit sa mundo.  Minsan nakakapraning din mag isip kung ano ang isusunod mong isusulat sa blog na ito.. hahahaha…

ito nga pala ang mga ka-tropa kong PRANING hehehehe

next topic….

napraning ako sa SUROT….

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: